Ating Isipin: Konklusyon
ISIPIN NATIN!
Ang mga Aeta ay isa sa mga kauna-unahang taong nanirahan dito sa Pilipinas. Lubhang nakakamangha na ang mga nakagawian nila noong kultura, tradisyon, paniniwala, at pati na rin ang paraan ng kanilang pamumuhay ay makikita pa rin sa mga kasalukuyang katutubong Aeta.
Ang rason sa likod ng pagpapanatili nila ng kanilang kultura ay patuloy pa rin itong tinuturo sa mga batang Aeta at isinasagawa pa rin nila ito magpasahanggang ngayon. Hindi sila nahihiya sa kanilangkultura gaya ng pagsasayaw pati na rin ang paraan ng kanilang pananamit, sapagkat ito sila at niyakap nila ito ng bukal sa kanilang mga kalooban. Ito ang kaugalian na dapat din nating isapuso.
Bukod dito, matututuhan din natin mula sa mga Aeta na magtamo ng kaugaliang pagiging masipag at matiyaga. Sa kabila ng hirap na kanilang dinaranas, nakukuha pa rin nilang ngumiti at magpatuloy sa hamon ng buhay.
Kilala rin ang mga Aeta sa pagiging simple at pagiging kuntento sa kung ano mang uri ng pamumuhay ang mayroon sila. Ang pinakamahalagang yunit sa kanila ay ang pamilya. Ang pagtatamo lamang ng pangunahing pangangailangan at pagkabuo ng isang pamilya ang pinakamahalaga para sa mga Aeta. Kung tutuusin, isa itong magandang paniniwala sa buhay sapagkat hindi ka na darating sa punto ng sobrang pagkahumaling sa pera na minsan nagiging sanhi ng pagtapak sa karapatan ng ibang tao.
ANO ANG DAPAT NATING GAWIN BILANG KAPATID NG MGA AETA NA NANINIRAHAN SA IISANG BANSA?
Dahil ang diskriminasyon ang isa sa mga pinakasikat na problemang kinakaharap ng mga Aeta ngayon, dapat magsimula sa atin ang pagresolba dito. Marapat lamang na maging bukas ang ating isipan at puso na hindi lahat ng tao ay magkakapareho ngunit hindi nito nababawasan ang pagkatao ng isang sibilyan.Tatruhin ang mga katutubong Aeta nang pantay at tanggapin sila bilang sila.
Lahat ay may karapatang manirahan sa isang bansa. Lahat ay marapat igalang at respetuhin ng bawat isa. Lahat ay nilikha ng Diyos upang ituring ang isa't-isa bilang kapatid. At higit sa lahat, lahat tayo ay mga Pilipino na naninirahan sa iisang bansa, ang Pilipinas.
Labanan ang diskriminasyon! Respetuhin at igalang ang mga katutubong atin!
GRUPO BLG. 11
MGA TAGALATHALA NG ARTIKULO:
• Margaret Chloie S. Palomares
- editor
• Elmo Joaquin Landicho
• John Benedict Panen
Comments
Post a Comment